In this photo provided by the Ukrainian Presidential Press Office, Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy addresses the nation in Kyiv, Ukraine, late Monday, March 7, 2022. (Ukrainian Presidential Press Office via AP)
-- ADVERTISEMENT --

Patuloy ang tensyon sa Ukraine matapos ang halos 12-oras na pambobomba ng Russia na kumitil ng hindi bababa sa apat na katao at nakasugat ng higit 70 iba pa, kabilang ang isang 12-anyos na batang babae sa Kyiv.

Ayon kay Pangulong Volodymyr Zelensky, kabilang sa tinamaan ang mga gusali ng tirahan, isang malaking panaderya, pabrika, at maging ang Institute of Cardiology kung saan namatay ang isang nars at pasyente.

Mahigit 100 sibilyang pasilidad ang napinsala sa kabuuan.

Tinatayang 600 drones at dose-dosenang mga misil ang ginamit ng Russia sa pitong rehiyon, kabilang ang Zaporizhzhia, Sumy, Mykolaiv, Chernihiv, Khmelnytskyi, at Odesa.

Mariing kinondena ni Zelensky ang “kasuklam-suklam” na pag-atake at nangakong gaganti ang Ukraine.

-- ADVERTISEMENT --

Umapela rin siya ng mas matinding tugon mula sa Europa at Estados Unidos, lalo na sa pagpataw ng dagdag na parusa laban sa Moscow at pagpigil sa pag-angkat ng langis at gas ng Russia.

Samantala, inalerto rin ng mga bansang Poland, Denmark, at iba pang kasapi ng NATO ang kanilang depensa matapos muling makapasok ang mga drone sa kanilang himpapawid, bagay na nagpapalala sa pangamba ng paglawak ng agresyon ng Russia sa labas ng Ukraine.