-- ADVERTISEMENT --

Nakunan ng drone footage ang higit 20 polar bear na naninirahan sa isang lumang istasyong pananaliksik ng Soviet sa Kolyuchin Island, Chukchi Sea, sa malayong hilagang-silangan ng Russia.

Iniwan ng mga siyentipiko ang istasyon mahigit tatlong dekada na ang nakalipas matapos gumuho ang Soviet Union.

Ngayon, ginagamit ito ng mga polar bear bilang silungan laban sa hangin at ulan.

Ayon sa mga eksperto, dahil sa climate change at patuloy na pagkatunaw ng yelo, mas madalas nang nananatili sa lupa ang mga polar bear upang maghanap ng pagkain.

Nagbabala rin ang mga siyentipiko na tulad ng nangyari sa ilang bayan at nayon, maaaring pumasok ang mga oso sa mga lugar na tinitirhan ng tao, kaya’t gumagamit ang mga residente ng mga harang at “bear traps” upang maiwasan ang sagupaan.

-- ADVERTISEMENT --