-- ADVERTISEMENT --

Pinaalalahanan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko na huwag magbigay ng limos sa mga batang lansangan, taong walang tirahan, at Indigenous Peoples sa papalapit na kapaskuhan.

Ayon kay Pag-abot Program Officer-in-Charge Division Chief Jennifer Casañas kaakibat ng panawagang ito ang Anti-Mendicancy Law na nagbabawal ng panlilimos at pagbibigay-limos sa mga pampublikong lugar.

Ani Casañas, may mga tamang paraan upang maghatid ng tulong, tulad ng kanilang Pag-abot Program, na nagbibigay ng suporta sa mga street families at indibidwal sa buong taon.

Layunin umano ng programa na maiangat ang kanilang kabuhayan at karapatan sa ligtas at maayos na paraan.

-- ADVERTISEMENT --

Batay sa pinakahuling datos ng DSWD, mahigit 14,000 katao na ang na-profile ng programa at higit 6,000 ang nakatanggap ng tulong gaya ng pangkabuhayan, pansamantalang tirahan, at counseling.