Ginagawan na nang paraan ng Department of Public Works and Highways o DPWH Aklan na maayos ang nasirang bahagi ng revetment wall sa may parte ng Aklan river na sakop ng Brgy. Jumarap, Banga.
Ayon kay Engr. Joey Ureta, head ng maintenance division ng DPWH-Aklan na bumigay ang parte ng istraktura na nag-iwan ng malaking butas dahil sa malakas na daloy ng tubig sa ilog dala ng pananalasa ng dumaan na bagyong Opong.
Ipinaliwanag ni Engr. Ureta na dati na rin itong may bitak at natuluyan na lamang nang tumaas ng husto ang lebel ng tubig at hindi napigilan ang malakas na current ng tubig dahilan na tuluyang nasira ang istraktura.
Ang nasabing mga flood control project sa ilalim ng implementasyon ng DPWH Aklan ay ikinontrata ng IBC builders at nagawa noong pang 2018.
Sa nagyon ayon kay Engr. Ureta, wala na silang pondo para i-repair pa ang revetment wall kundi ang ginagawa nila ngayon ay hinahanapan ng paraan na maayos para hindi tuluyang masira ang buong infrastructure.