-- ADVERTISEMENT --

Ipinatawag ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) si Senador Mark Villar upang humarap sa isang pagdinig sa susunod na linggo, ayon sa liham na pirmado ni ICI Chairman at retiradong Hukom Andres Reyes Jr.

Layon ng imbitasyon na ipaliwanag ni Villar sa ilalim ng panunumpa ang mga detalye kaugnay ng pagpaplano, pagba-budget, pagpapatupad, at pagmomonitor ng mga flood control at iba pang proyekto ng imprastruktura noong siya’y kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Mariing itinanggi ni Villar ang umano’y paggamit ng kanyang impluwensya para maipagkaloob ang PHP18.5 bilyong kontrata sa kumpanyang pagmamay-ari ng kanyang pinsan.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, positibo ang naging tugon ni Villar na makipagtulungan sa isinasagawang imbestigasyon.

Dagdag pa niya, nasa 200 katao — kabilang ang mga mambabatas, kontratista, at opisyal ng DPWH — ang maaaring maharap sa kaso kaugnay ng mga iregularidad sa mga proyektong imprastruktura.

-- ADVERTISEMENT --