-- ADVERTISEMENT --

KALIBO AKLAN — Mariing pinabulaanan ni dating senador Antonio “Sonny” Trillanes IV ang lahat ng pahayag ng Duterte Camp lalo na ang pamilyang duterte na si dating Pangulong Rodirigo Roa Duterte ay nakitang walang malay at may sakit sa kanilang press releases upang makakuha ng simpatiya sa publiko.

Sa pagbisita ng dating senador sa International Criminal Court (ICC) iginiit nito na nasa maayos na sitwasyon, may komportableng higaan at accessible na telepono na pwedeng gamitin para makipag-ugnayan sa pamilya, at hindi selda kundi malawak na kwarto ang kinaroonan ng dating presidente.

Nilinaw din niya na hindi niya binisita ang dating pangulo kundi pumunta siya doon para sa nakaschedule na aktibidad kung saan isa na doon ang pakikipag-ugnayan sa ICC at isa sa mga napag-usapan ay ang mga polisiya sa detention center kung nasaan ang dating pangulo.

Samantala, inihayag ni Trillanes na hinding-hindi mangyayari ang house arrest na kagustuhan ng ilang senador kahit mismong administrsyong Marcos pa ang magsasabi sa ICC sa kadahilanang hindi na miyembro ng ICC ang Pilipinas.

Handa rin umano siyang humarap sa pagpapaimbestiga sa kanya ni Senator Robin Padilla kaugnay sa umano’y pagbisita nito sa dating pangulo. Inihayag niya na kung gusto ng senador na mag-ubusan ng oras ay handa siyang humarap dito.

-- ADVERTISEMENT --