Naglabas ng show-cause order ang Commission on Elections (COMELEC) laban kay Senador Francis Escudero kaugnay ng P30 milyong campaign donation mula sa isang kontratista ng pamahalaan noong 2022 elections.
Kinumpirma ni COMELEC Chairman George Garcia na itinakda ang pagdinig sa Oktubre 13 matapos mapatunayang si Lawrence Lubiano, presidente ng Centerways Construction and Development Inc., ang nagbigay ng nasabing halaga, base sa isinumiteng affidavit at dokumento.
Ayon sa Omnibus Election Code, ipinagbabawal ang pagtanggap ng donasyon mula sa mga kontratistang may negosyo sa gobyerno, at ang paglabag dito ay maaaring magresulta sa pagkakakulong at habambuhay na diskwalipikasyon sa public office.
May limang taong prescriptive period ang paglabag, kaya nananatili ang hurisdiksiyon ng COMELEC.
Itinanggi naman ni Escudero ang pagkakasangkot sa anumang flood control project, kabilang sa Sorsogon, kung saan kabilang ang Centerways sa mga kumpanyang nabigyan ng kontrata ayon sa naunang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.