-- ADVERTISEMENT --

Opisyal nang binuksan ang mga aktibidad bilang bahagi ng okasyon sa inaabangang taunang selebrasyon ng Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Festival.

Idineklara ni Kalibo mayor Juris Sucro ang pagbubukas ng Kalibo Ati-Atihan Festival 2026 kahapon, araw ng Myerkules, Oktubre 8 matapos ang sadsad panaad sa mga pangunahing kalye sa bayan ng Kalibo na nilahukan ng halos nasa 85 na mga tribu at grupo pati na rin libo-libong mga drummers.

Dinaluhan ng libo-libong taga-panood ang street dancing ng iba’t ibang grupong nagsasa-sayaw suot ang kanilang mga makulay at kakaibang mga costume.

Ang maikling programa ng lokal na pamahalaan ng Kalibo ay nagtapos sa isang magarbong fireworks and pyrotechnics display.

Maliban dito, nagperform din ang sikat na Elias J TV band at iba pang lokal na banda at Dj’s na libreng napanood ng mga Kalibonhon, Akeanon at mga bisita sa Kalibo Pastrana Park.

-- ADVERTISEMENT --

Ang nasabing okasyon ay binantayan daan-daang mga kapulisan kasama ang iba pang force multipliers upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.