HEALTH News — Lumabas sa isang malawakang pag-aaral na mas mataas ang genetic predisposition ng kababaihan sa clinical depression kumpara sa kalalakihan.
Batay sa pagsusuri ng DNA ng halos 200,000 pasyente, natuklasan ng mga mananaliksik mula sa Berghofer Medical Research Institute na may halos 13,000 genetic markers na konektado sa depresyon sa kababaihan, kumpara sa 7,000 markers sa kalalakihan.
Ipinakita rin ng pag-aaral na ang ilang genetic pagbabago ay may kaugnayan sa metabolismo at hormone production, na maaaring magpaliwanag kung bakit mas madalas makaranas ng pagbabago sa timbang at enerhiya ang mga babaeng may depresyon.
Layon ng pananaliksik na makabuo ng mas angkop na paggamot para sa mga pasyente, partikular sa kababaihan, at isulong ang mas inklusibong pag-aaral sa larangan ng mental health.
Tinatayang mahigit 300 milyong tao sa buong mundo ang apektado ng depresyon, ayon sa World Health Organization.