June 26 2022 West Phil. Sea- A member of the Phil. Navy carries a Philippine flag during a short trip at the Sandy Cay, a sandbar just 4 nautical miles from the disputed Pag-asa island in the West Phil. Sea where a number of Chinese naval ships have been spotted. INQUIRER/ MARIANNE BERMUDEZ
-- ADVERTISEMENT --

Tiniyak ng Philippine Navy na kanilang bineberipika ang mga ulat tungkol sa mga underwater structure sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang sinabi ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, tagapagsalita ng Philippine Navy para sa WPS, sa isang press briefing sa Camp Aguinaldo.

Ayon kay Trinidad, noong 1997 ay napigilan ng Navy ang tangka ng China na magtayo ng steel structure sa lugar.

Ipinaliwanag din niya na ang mga dating naiulat na “building blocks” sa paligid ng Bajo de Masinloc ay mga istrukturang ginamit pa noong panahon na ito ay bombing range ng U.S. Air Force, U.S. Navy, at Philippine Air Force.

-- ADVERTISEMENT --

Kamakailan, inaprubahan ng gobyerno ng China ang plano nitong bumuo ng “Huangyan Dao National Nature Reserve” sa lugar—isang hakbang na mariing kinondena ng Department of Foreign Affairs (DFA), na iginiit na tanging Pilipinas lamang ang may karapatang magtatag ng marine protected area sa Bajo de Masinloc.