-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan — Naging emosyunal ang isang inang dumulog sa Bombo Radyo Kalibo matapos na makaramdam ng sobrang awa sa kanyang anak na lalaki na nagtatrabaho bilang titser nang maka-utang ito sa isang online lending app na nakita sa social media.

Ayon kay nanay Inday na matinding harassment at mental distress ang idinulot nito sa kanyang anak na panganay na hindi na halos makapagbayad dahil sa compounded na interest.

-- ADVERTISEMENT --

Apektado na umano ang kanyang anak dahil may access ang naturang online lending app na XL Cash lending sa kanyang mga contacts at social media dahilan na kahit ang kanilang mga kamag-anak, katrabaho at iba pang kaibigan ng kanyang anak ay pinapahiya, tinatakot, at binabastos sa pamamagitan ng mga mensaheng ipinapadala.

Umabot aniya sa kabuuang P450,000 ang nautang ng kanyang anak simula 2024 at kahit nakabayad na sila ng nasa P500,000 ay may balanse pa rin umano silang nasa P360,000 dahil kahit ang interest ay tumutubo.

Hirap na hirap na umano sila dahil nagtatrabaho bilang isang janitor ang kanyang mister at siya ay nagtitinda ng mga kakanin, kung saan, hindi sapat ang kanilang kinikita.

Kaugnay nito, hinikayat ni nanay Inday ang iba pa na iwasan na lamang ang mag-utang sa anumang online lending platform.