-- ADVERTISEMENT --

Pumalo na sa pito ang nasawing indibidwal bunsod ng hagupit ng Bagyong Ramil sa bansa.

Kabilang na ditonang limang napaulat na nasawi sa Quezon Province natapos na mabagsakan ng malaking puno ang kanilang tahanan.

Dalawa naman ang naitalang casualty sa bahagi ng Western Visayas batay sa natanggap na mga bagong datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Patuloy naman na sumasailalim pa sa beripikasyon ang mga naturang bilang na ito habang nakikita pa ang posibilidad na tumaas pa ang bilang na ito kung sakali dhi pa tuloy pa rin ang tanggapan sa pagberipika at pagtanggap ng datos hinggil sa mga casualty bunsod pa rin ng bagyo.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kabila nito may napaulat ding isang sugatan sa insidente habang dalawa naman ang kasalukuyan pa ring nawawala sa ngayon.

Samantala, aabot naman sa higit 38,000 na pamilya ang naipaulat na apektado na siyang katumbas ng higit sa 133,000 na indibidwal.