-- ADVERTISEMENT --

Umabot sa 36,536 ang bilang ng mga nagparehistro sa buong bansa sa unang araw ng voter registration noong Oktubre 20, ayon sa Commission on Elections (Comelec). Pinakamataas ang naitalang aplikasyon sa Calabarzon na may 8,290, habang pinakamababa sa Cordillera Administrative Region na may 483.

Muling binuksan ng Comelec ang voters’ registration bilang paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Nobyembre 2026, na tatagal hanggang Mayo 18, 2026. Bukas ang registration sites araw-araw mula 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m.

Tumatanggap din ang Comelec ng iba pang aplikasyon gaya ng paglipat ng rehistro, pagbabago ng pangalan o status, pagwawasto ng entry, reactivation, at pagbabalik ng pangalan sa listahan ng mga botante. Target ng ahensya ang 1.4 milyong bagong rehistradong botante sa loob ng pitong buwang registration period.