Patuloy ang paggalaw ng Bagyong Salome sa baybayin ng Sabtang, Batanes ngayong umaga.
Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 km/h malapit sa gitna at bugso na hanggang 90 km/h.
Kumikilos ito nang patimog-timog-kanluran sa bilis na 20 km/h.
Signal No. 2: Batanes
Signal No. 1: Kanlurang bahagi ng Babuyan Islands (Calayan, Dalupiri, Babuyan) at hilagang-kanlurang bahagi ng Ilocos Norte (Bangui, Pagudpud, Burgos, Pasuquin, Bacarra, Laoag City)
Inaasahan ang matinding pag-ulan sa mga apektadong lugar.
Inaasahang dadaan si Salome malapit sa Babuyan Islands ngayong umaga at sa Ilocos Norte pagsapit ng tanghali o hapon.
Dahil sa high-pressure area sa mainland China, patuloy itong kikilos pa-timog kanluran.
Inaasahang hihina ito bilang tropical depression sa loob ng 12 oras at tuluyang magiging remnant low pagsapit ng Oktubre 24, 2025.