-- ADVERTISEMENT --

Nagsampa ng kaso ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Office of the Ombudsman laban sa 22 opisyal at kontratista na umano’y sangkot sa mga maanomalyang proyekto sa La Union at Davao Occidental.

Kasama ni DPWH Secretary Vince Dizon sa pagsasampa ng kaso si Independent Commission for Infrastructure (ICI) Chairperson Andres Reyes. Kabilang sa reklamo ang mga kasong malversation at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019).

Ayon sa ICI, hiwalay ang imbestigasyon ng DPWH sa kanilang sariling proseso. Tiniyak ni Reyes na dadaan sa masusing beripikasyon ang lahat ng ebidensya bago ito iendorso sa Ombudsman.

Plano rin ng ICI na dagdagan ang transparency sa pamamagitan ng posibleng livestreaming ng mga pagdinig, habang tinitiyak ang pagprotekta sa sensitibong impormasyon at karapatan ng mga sangkot.