-- ADVERTISEMENT --

Umakyat sa ika-apat na puwesto ang pneumonia bilang pangunahing sanhi ng kamatayan sa bansa, na nakapagtala ng higit 46,000 nasawi mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon.

Mula sa ikapitong puwesto noong 2021, umabot na ito sa ika-apat noong 2024, na bumubuo sa 6.7% ng kabuuang bilang ng mga namamatay sa bansa. Ayon sa PhilHealth, ang pneumonia ang may pinakamaraming benepisyo o claims noong nakaraang taon, habang tinaya ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP) na umabot sa ₱11.9 bilyon ang nagastos para sa paggamot sa loob ng 2024.

Itinuturing ng mga eksperto na malaking bahagi ng mga kasong ito ay maiiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna. Hinihikayat ng mga awtoridad ang pagpapalakas ng kampanya sa pagbabakuna at pagtutok sa mga mahihinang sektor upang mapababa ang bilang ng mga namamatay at mapagaan ang pasanin sa sistemang pangkalusugan ng bansa.