Pormal nang tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang tungkulin ng Pilipinas bilang tagapangulo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para sa 2026, matapos ipasa ni Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim ang gavel sa pagtatapos ng 47th ASEAN Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Bilang susunod na pinuno ng ASEAN, tututok ang Pilipinas sa pagpapalakas ng seguridad, ekonomiya, at kapakanan ng mamamayan sa ilalim ng temang “Navigating Our Future, Together.” Kabilang sa mga prayoridad ang pagpapatupad ng ASEAN Community Vision 2045 at pagtulong sa ganap na integrasyon ng Timor-Leste bilang ika-11 kasaping bansa.
Itataguyod ng bansa ang patuloy na diyalogo, pagsunod sa internasyonal na batas, at kooperasyon sa mga isyung pangseguridad upang mapanatili ang matatag at inklusibong rehiyon. Mananatiling sentro ng mga inisyatibo ang ASEAN Centrality habang ipagpapatuloy ng Pilipinas ang mga programa ng mga naunang tagapangulo.













