-- ADVERTISEMENT --

Dumating si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa South Korea upang dumalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Summit, kung saan itataguyod ng Pilipinas ang kahandaan nito sa pagtanggap ng mamumuhunan sa larangan ng artificial intelligence (AI) at teknolohiya.

Nakatuon ang summit sa digital transformation, pagpapalakas ng trade networks, at benepisyo ng mga miyembrong ekonomiya sa mabilis na digitalization. Layunin ng administrasyon na gawing AI-powered Philippines sa 2028 at cyber hub ng Timog-Silangang Asya.

Mahalaga ang pagdalo ng Pilipinas sa APEC dahil ang rehiyon ay bumubuo ng halos 46% ng global trade at 61% ng global GDP, na direktang nakakaapekto sa kabuhayan ng mga Pilipino. Binibigyang-diin din ang potensyal ng bansa bilang pangunahing destinasyon para sa mga tech investors dahil sa malaking IT-literate at English-speaking workforce.