-- ADVERTISEMENT --

Nakalatag na ang assistance help desk ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Caticlan Port upang umalalay sa mga byahero at pasahero na uuwi sa probinsya ng Aklan at sa mga ba-byahe patawid sa Batangas, Romblon at Mindoro.

Maliban dito, ipinahayag ni Lt. Commander Val ernie P. Daitao, chief commander ng PCG Aklan na inaasahan na in nila ang pagbuhos  ng mga turista, bisita at bakasyunista na papasok sa isla ng Boracay dahilan na nakaalerto at nakabantay na ang kanilang mga tauhan upang umalalay sa mga ito patawid sa isla.

Nakakalat na rin umano ang PCG personnel sa white long beach at walang orasan ang kanilang ginagawang pagpatrolya sa karagatan upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.

Tinitiyak din ng mga ito sinusunod ang ipinatutupad na one entry, one exit policy ng lokal na pamahalaan ng Malay upang ma-monitor ang mga sakayang pandagat na maglalayag sa karagatan ng Boracay.