Mahigpit na nagpapaalala ang Department of Health o DOH Aklan sa publiko na ingatan ang alusugan sa panahon ng Undas.
Ayon kay Robby I. Bastareche, development management officer IV ng DOH Aklan, kung maaari ay huwag nang magbyahe ang mga matatanda lalo na ang mga vulnerable sa iba’t ibang sakit dahil iba’t ibang tao ang posibleng makahalubilo sa sementeryo.
Maliban dito, iwanan sa tahanan ang mga maliit na bata para maingatan din ang kanilang kalusugan.
Pabago-bago umano ang klima ngayong panahon dahilan na kinakailangang may wastong kaalaman sa weather advisory upang makapag-handa ng panangga sa init o ulan.
Ang panahon ng Undas ay para makabisita sa mga minamahal sa buhay na pumanaw na, ngunit kailangan din na maging maingat sa kani-kanilang sarili para maiwasan ang anumang sakit.
 
		 
			












