-- ADVERTISEMENT --

Nakikipagtulungan na ang Department of Education (DepEd) sa iba pang ahensya ng gobyerno upang bumuo ng isang malinaw at iisang protocol para sa pag-suspinde ng klase.

Layunin nitong tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral at mabawasan ang pagkawala ng araw ng klase.

Ayon sa DepEd, nakipagpulong na sila sa Department of the Interior and Local Government (DILG), Commission on Higher Education (CHED), Philippine Science High School (PSHS), at Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) upang talakayin ang national guidelines sa pag-suspend ng klase.

Dagdag pa ng DepEd na bawat nawawalang araw ng klase ay maaaring makapababa ng marka ng mga mag-aaral.

-- ADVERTISEMENT --

Batay sa ahensya sa School Year 2023–2024, higit sa 20-araw ng pasok sa klase na ang nawala dahil sa masamang panahon, na nakaapekto sa higit 11 milyong public school students.

Upang matugunan ito, maglalabas ang DILG ng uniform advisory format para sa mga LGU, habang inaatasan ang regional offices ng DepEd na iulat ang epekto ng suspensyon. Palalakasin din ang make-up classes at alternative learning methods upang matiyak ang tuloy-tuloy na pasok ng mga mag-aaral.