-- ADVERTISEMENT --

Nanindigan  si Ombudsman Jesus Crispin Remulla, may hawak siyang hindi opisyal na kopya ng arrest warrant na diumano’y inilabas ng International Criminal Court (ICC) laban kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa, kaugnay ng umano’y krimen laban sa sangkatauhan noong kampanya kontra-droga sa ilalim ng administrasyong Duterte.

“Kung tatanungin niyo ako kung meron, meron. Sa telepono ko. I have a copy. Pero hindi siya official copy. Basta alam ko, meron.”

Nilinaw ni Remulla na hindi pa dumadaan sa opisyal na proseso ang warrant bago ito maipatupad. Wala pang kumpirmasyon mula sa Department of Justice o ICC at nauna umano siyang nakaalam nito.

Si Dela Rosa ay dating PNP chief noong kampanya kontra-droga, na ayon sa ICC ay nagdulot ng libu-libong pagkamatay.

-- ADVERTISEMENT --

Si dating Pangulong Duterte ay nakakulong sa isang ICC facility mula noong Marso, kinasuhan ng krimen laban sa sangkatauhan bilang indirect co-perpetrator.