-- ADVERTISEMENT --

Tinawag ng Palasyo ng Malakanyang na tila naging comedy series na ang exposé ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co sa kanyang bag-ong video.

Ito ang naging tugon ni Palace Press Officer Usec. Atty. Claire Castro kaugnay sa ikatlong bahagi ng “tell-all” video ni Zaldy Co, kung saan muli nitong idinadawit si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at dating House Speaker Martin Romualdez sa umano’y budget insertions.

Matatandaang sinabi ni Co na “dumaan lang ang pera” sa kanya at wala siyang natanggap, habang isinasangkot ang Pangulo at dating Speaker sa umano’y kickbacks.

Ayon kay Castro, nagiging katawa-tawa na ang serye ng akusasyon ni Co.

-- ADVERTISEMENT --

“Ang exposé na inaasahan ng mga kaalyado niya ay naging comedy series na,” ani Castro.

Dagdag pa niya, halata umanong nagtatahi lang ng kuwento si Co, lalo’t siya mismo ang iniimbestigahan ng Pangulo sa maanomalyang flood control projects.

Giit ng Palasyo, ang mga paratang ni Co ay “imbento,” “walang basehan,” at “puro basa ng script,” habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure kaugnay sa maanomalyang flood control projects sa bansa.