Nilinaw ni Jake Zyrus na hindi pa niya napapalitan ang kanyang legal na pangalan mula sa “Charice.”
Aniya, pinag-iisipan niya ngayong gamitin ang pangalang “Charles.”
Sinabi ng singer, “Jake Zyrus is only my screen name. I have not changed my legal name just yet.”
“Pero kung babaguhin ko siya, I kinda like Charles because it’s closer to my original name, Charice and Charmaine,” paliwanag niya. “So I kinda like that, Charles, and then maybe put Jake in the second name. For how many years, I’m kinda set with the first name Charles.”
Idinagdag pa ni Jake na mananatili ang apelyido niyang Pempengco.
Noong 2013, nag-identify ang Pinoy star bilang isang lesbian. Noong 2017, nag–come out siya bilang isang trans man at ipinakilala ang sarili bilang Jake Zyrus matapos sumailalim sa male chest reconstruction at magsimula ng testosterone treatment.
Sa isang panayam noong Hulyo 2022, ibinahagi ng singer ang tungkol sa matagal niyang pakiramdam na “isinilang siya sa maling katawan” at kung paano niya tuluyang tinanggap ang kanyang sarili.
Bagama’t nararamdaman na niyang “isinilang siyang nasa maling katawan” noong sumikat siya bilang Charice, hindi pa raw niya noon lubos na nauunawaan ang tungkol sa mga transgender o kung ano ang ibig sabihin nito. Naging mas mulat lamang siya sa edad na 20, nang may nagkuwento sa kanya tungkol sa journey ni American actor Chaz Bono bilang isang trans man.
“After doing my research on him, it was an ‘aha’ moment for me. I realized that I was trans, too.”













