-- ADVERTISEMENT --

Hindi bababa sa 200 katao, kabilang ang isang kongresista, isang retiradong heneral, at ilang negosyante, ang kinasuhan kaugnay ng karahasan sa anti-corruption rally noong Setyembre 21, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ayon kay acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa isang press briefing sa Camp Crame, kabilang sa mga kaso ang paglabag sa Batas Pambansa Blg. 880, arson, pananakit, at pang-uudyok sa sedisyon.

Mahigit 200 ang naaresto, kabilang ang 90 menor de edad, at dalawang tao ang nasawi sa nasabing rally.

Patuloy ang imbestigasyon at may ilan nang kasong isinasampa sa korte.

-- ADVERTISEMENT --