-- ADVERTISEMENT --

Ipinagbabawal ng Pilipinas ang pag-angkat ng poultry products mula Spain dahil sa mga kaso ng African swine fever (ASF) sa bansa.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., lalabas ngayong Miyerkules ang kautusan, at sakop nito ang mga produktong ginawa matapos ang Nobyembre 11, 2025.

“Sa ASF, sa Spain, lalabas today ‘yung order to ban starting, ang na-identify namin is ‘yung anything produced after November 11 will not be allowed until ma-clear na sila for ASF,” pahayag ni Sec. Laurel.