-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na maaaring isa o dalawang buwan na lamang ang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) at maaari na umano nitong i-turnover sa Office of the Ombudsman ang mga nakalap ng komisyon kaugnay ng maanomalayang flood control projects sa bansa.

“Tingin ko mga isa, dalawang buwan na lang ‘yan at maaari nang i-turnover sa amin ang kanilang mga trinabaho,” ayon kay Remulla.

Binigyang-diin din niya na hindi forever ang komisyon dahil mayroong batas na bumuo ng opisina nila at active rin ang kanilang hanay.