-- ADVERTISEMENT --

Overworked and underpaid.

Ganito inilarawan ni Sen. Rodante Marcoleta ang mga opisyal at trabahador ng barangay kasabay ng pagsuporta nito sa pagdaragdag sa sahod at mas mahusay na benepisyo ng mga ito dahil masyado umanong mababa ang buwanang honoraria ng mga ito sa dami ng kanilang trabaho.

Ayon kay Marcoleta, nasa P8,000 lamang kada buwan ang natatanggap ng mga kapitan ng barangay habang nasa P300 hanggang P1,500 lamang ang natatanggap ng mga tanod at Lupon Tagapamayapa.

“P8,000. It’s the salary of our kasambahay in Manila. Totoo po ito. So parang kasambahay na lamang po ang responsibility ng barangay captain, 24/7 — overworked, underpaid,” dagdag pa ni Marcoleta.

-- ADVERTISEMENT --

Suhestiyon pa niya, “At least P13,000, maligaya lahat ng barangay. Hindi P5,000, hindi P3,000. Doon natin gustong ilagay sana ang kalagayan ng mga barangay officials natin para maging may konting ano disente naman ang kanilang pamumuhay.”