-- ADVERTISEMENT --
Sinimulan ng Australia ang unang mga paglibing ng mga biktima ng Bondi Beach shooting, kabilang sina rabbi Eli Schlanger at Yaakov Levitan.
Ayon sa ulat, 15 katao ang napatay at marami ang nasugatan nang magpaulan ng baril sina Sajid at Naveed Akram sa isang Jewish festival noong Disyembre 14.
Pinaniniwalaang may koneksyon sa Islamic State ideology ang motibo ng mag-ama.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad kung nakipagkita ang mga suspek sa mga Islamist extremist sa pagbisita nila sa Pilipinas bago ang pag-atake.
-- ADVERTISEMENT --
Nagpahayag ng pagkabahala ang mga lider ng Israel at Australia, at nangakong palalakasin ng Australia ang regulasyon sa pagmamay-ari ng baril upang maiwasan ang ganitong insidente sa hinaharap.













