-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan — Sa kabila ng mga paalala na bawal umakyat sa andas, ilan pa ring deboto ang nagtangkang umakyat upang mahawakan ito.

Ito ang sinabi ni Truly Flaviano Jr., isang deboto ng Poong Itim na Nazareno na taun-taong dumadalo sa Traslacion.

Aniya, ito ang dahilan kung bakit bumagal ang daloy ng prusisyon ng Poong Nazareno.

Ang pagnanais umano ng mga deboto na makalapit sa imahe ay nagdulot ng pagkaantala sa daloy ng traslacion.

Sa kabilang daku, inanyayahan nito ang mga Akeanon na dumalo sa gaganaping localized Traslacion sa Aklan sa Enero 17 na magsisimula sa Parish of San Lorenzo Ruiz sa Brgy. Camaligan, Batan, Aklan.

-- ADVERTISEMENT --

Iikot pa ito sa iba pang parokya sa Aklan sa susunod na mga petsa at magtatapos sa Enero 29 sa Boracay, kung saan magsasagawa ng prusisyon sa buong isla at misa mayor sa Our Lady of the Most Holy Rosary Parish.

Samantala, malaki ang pasasamalat ni Flaviano kay Bishop Victor Bendico, Archbishop of Capiz at tumatayong Apostolic Administrator of Kalibo, matapos silang italaga noong Nobyembre 22 bilang isang Diocesan Nazareno Organization sa Aklan.