-- ADVERTISEMENT --

Inihayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagpapatupad ng bagong sistema at proseso sa paghahanda ng badyet, partikular para sa panukalang pondo sa 2027.

Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, aalisin na ang praktis ng tinatawag na “allocables” o ang paglalaan ng pondo batay sa koneksyon, impluwensya, at mga proyektong idinagdag nang hindi dumadaan sa tamang proseso. Sa halip, ipatutupad ang isang pormula sa pagbabadyet na nakabatay sa aktuwal na pangangailangan ng mga rehiyon at komunidad.

Binigyang-diin ng kalihim na kinakailangang may malinaw at detalyadong plano ang bawat proyekto, may pahintulot ng development council, at inuuna ang pagkumpleto ng mga kasalukuyang proyekto bago maglunsad ng mga bago. Nanawagan din siya sa mga opisyal ng gobyerno at sa publiko na wakasan ang mga gawain sa pagbabadyet na nagbubunsod ng katiwalian at hindi tapat na paglilingkod sa mamamayan.