-- ADVERTISEMENT --

Nagsidatingan na at agad na idineploy ang dagdag na pwersa ng Philippine National Police (PNP) personnel mula sa Police Regional Office VI na in-augment sa pagbantay at pagmonitor sa weeklong celebration ng Kalibo Sr. Sto. Niño Ati-Atihan Festival 2026.

Ayon kay PSSgt. Leonilyn Artes, tagapagsalita ng Aklan Police Provincial Office, kumpleto na ang mahigit 2,400 uniformed PNP personnel na itinalaga sa mga strategic areas at iba pang ma-taong lugar upang matiyak ang seguridad ngi mga deboto, bisita at iba pang makikisaya sa Kalibo Ati-Atihan Festival.

Ayon pa sa kanya, umaabot sa 3,000 kabilang na ang iba pang force multipliers ang itinalaga na magabantay at magsiguro sa seguridad ng lahata na festival goers.

Pinaalalahanan din niya ang publiko na iwasang magdala ng mga matutulis na bagay at backpack at maging responsable sa mga kagamitan at maging sa dala nilang mga maliliit na bata.