-- ADVERTISEMENT --

Nanatili ang tiwala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa kabila ng mga batikos at pagdududa sa kakayahan ng komisyon.

Ayon sa Malacañang, tuloy ang mandato ng ICI na tumutok sa pananagutan at imbestigasyon ng mga alegadong iregularidad, at mas piniling hayaang tapusin ng komisyon ang trabaho nito kaysa pangunahan ang magiging pasya ng Pangulo.

Nilinaw din na kahit nabawasan ang bilang ng mga komisyoner, maaari pa ring magrekomenda ang ICI ng mga kasong isasailalim sa imbestigasyon hangga’t may sapat na ebidensiya, dahil rekomendatoryo lamang ang tungkulin nito.

Ang ICI ay itinatag noong Setyembre ng nakaraang taon bilang isang independent fact-finding body na magsisiyasat sa mga alegadong anomalya sa flood control at iba pang infrastructure projects ng gobyerno.