-- ADVERTISEMENT --

Sinimulan ng Malaysian-Filipino singer-songwriter na si Yazmin Aziz ang 2026 sa paglabas ng kanyang bagong single na “Nagpalinlang” sa ilalim ng Sony Music. Ang awit ang kauna-unahang Tagalog release ni Aziz at nagmamarka ng bagong yugto sa kanyang karera.

Nakilala si Aziz sa social media at sa mga international music platforms, kabilang ang kanyang paglahok bilang kinatawan ng Malaysia sa Silk Way Star Singing Competition. Kabilang din siya sa Malaysia’s Top 30 Women of Excellence at tumanggap ng Canadian Global Awards para sa Creatives at Creators.

Nakapagtanghal na rin si Aziz sa mga mahahalagang international events tulad ng ASEAN Summit at ASEAN–US Leaders event. Sa kasalukuyan, patuloy siyang gumagawa ng bagong musika, kabilang ang kolaborasyon kasama ang King of R&B ng Pilipinas na si Jay R.