-- ADVERTISEMENT --

Patuloy ang pagdami ng mga job fair sa buong bansa, ayon sa datos ng Department of Labor and Employment. Umabot sa 2,356 ang bilang ng mga job fair na isinagawa noong 2025, mas mataas kumpara sa 1,900 noong 2024 at 1,600 noong 2023.

Batay sa tala ng DOLE, mahigit 83,000 aplikante ang agad na natanggap sa trabaho noong nakaraang taon, habang higit 529,000 jobseeker ang lumahok sa iba’t ibang job fair sa buong bansa. Bukod sa mga bakanteng trabaho, nagsilbi ring one-stop shop ang mga aktibidad na ito sa tulong ng iba pang ahensya ng gobyerno, na nagbigay ng serbisyong may kaugnayan sa social protection, pangkabuhayan, at impormasyon sa karapatan ng mga manggagawa.