-- ADVERTISEMENT --

Magkakasabay na nagpatupad ng taas presyo ang mga kumpanya ng langis.

Kaninang alas-6 ng umaga ng ipinatupad ang dagdag na P1.00 sa kada litro ng gasolina.

Habang mayroong P2.00 naman sa kada litro ng diesel at ang kerosene ay mayroong pagtaas na P1.50 sa kada litro.

Itinuturing dahilan ng Department of Energy (DOE) na ang dahilan ng taas presyo ay ang patuloy na tensiyon na nararanasan sa Iran.

-- ADVERTISEMENT --

Kasama na rin na dahilan sa pagtaas ng presyo ng langis ay ang pagbaba na halaga ng piso kontra US dollar.