-- ADVERTISEMENT --

Kinumpirma ng Malacañang na nalungkot si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pag-aresto kay dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., na itinuturing niyang kaalyado at personal na kaibigan. Gayunman, iginiit ng Palasyo na kailangang manaig ang proseso ng batas sa kabila ng personal na ugnayan.

Ayon sa Palace Press Officer, kinilala ng Pangulo ang pangangailangang sundin ang legal na proseso matapos maiugnay si Revilla sa umano’y anomalosong flood control project sa Bulacan. Binigyang-diin na mahalagang hayaang umusad ang kaso alinsunod sa umiiral na mga patakaran at ebidensiya.

Si Revilla, na tumakbo ngunit nabigong mahalal sa ilalim ng administrasyon-backed Alyansa para sa Bagong Pilipinas noong 2025, ay kusang sumuko sa mga awtoridad matapos maglabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan Third Division kaugnay ng umano’y “ghost” flood control projects sa Pandi, Bulacan.