-- ADVERTISEMENT --

Nilinaw ng Philippine Statistics Authority o PSA Aklan na hindi tumatawag ang ahensya sa mga kliyente para i-update ang kanilang datos.

Ito ay kasunod ng reklamo ng isang babae na nabiktima ng online scam kung saan nakuhaan siya ng malaking halaga ng pera.

Ayon kay Rodelyn Panadero, Supervising Statistical Specialist ng PSA Aklan, wala silang kinalama sa nagpakilala na tauhan umano ng PSA na tumawag sa biktima may kinalaman sa national ID ng kanyang asawa.

Dagdag pa ni Panadero, kung nais na mag-update ng datos ang isang kliyente, mismong ini-entertain nila ito ng personal at sila mismo ang nag-aasikaso ng mga dokumento at walang tauhan ng PSA na tumatawag sa kahit sinong indibidwal may kinalaman sa private information maliban nalang kung sila ang tutunga sa tanggapan para i-update ang information.

Sa ngayon ayon kay Panadero, may nagbabahay-bahay na 49 na data collectors na nangangasiwa sa 96 enumeration areas at 79 na barangay sa probinsya sa ilalim ng limang team supervisors upang kumpletuhin ang isang datos sa kita at gastusin ng pamilya, bilang pangalawang bahagi ng Family Income and Expenditure Survey (FIES) na unang isinagawa noong Hulyo 2025.

-- ADVERTISEMENT --

Layunin nito na masukat ang distribusyon ng kita, lebel ng hindi pagkaka-pare-pareho, at magsilbing basehan sa pagbibilang ng Consumer Price Index (CPI), poverty thresholds, poverty incidence, at Human Development Index (HDI) sa iba’t ibang lebel ng Pamahalaan.