-- ADVERTISEMENT --
Apat na sasakyan ang nasira matapos matamaan ng bumagsak na puno ng acacia sa blessing area malapit sa Gate 5 ng Minor Basilica of Our Lady of Manaoag, hapon ng Huwebes, Enero 29, bandang alas-5 ng hapon.
Batay sa mga larawang inilathala ng Pamahalaang Bayan ng Manaoag sa Facebook, rumesponde ang mga awtoridad sa lugar upang alisin ang punong bumagsak sa mga sasakyan.
Ayon pa sa mga ulat, papabendisyunan pa lamang ng mga may-ari ang kanilang mga sasakyan nang biglang bumagsak ang puno.
Isang commuter van at isang bagong biling SUV ang labis na nadurog, habang dalawang iba pang SUV ang nagtamo ng bahagyang pinsala.
-- ADVERTISEMENT --
Walang naiulat na nasugatan o nasawi sa insidente.












