Pangueong Marcos Jr. ginpasiguro nga trabahuon ro kinahang-ean nga pondo para sa mga lugar nga naapektuhan it kalamidad
-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan—Ikinatuwa ng Makabayan Bloc na umusad ang reklamong impeachment laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos na nai-referred ito sa House Committee on Justice.

Ngunit ayon kay Kabataan Partylist Representative Atty. Rennee Co, mayroon pa rin silang agam-agam na baka magamit ang naunang inihain na impeachment complaint para ma-trigger ang one year bar rule at mapawalang bisa ang pangalawang impeachment complaint na inindorso ng Makabayan Bloc.

Paliwanag ni Atty. Co, deemed initiated ang impeachment process laban sa Pangulo matapos na matanggap ng Secretary General ang reklamo, araw ng Lunes, Enero 26, 2026.

Naniniwala aniya sila na malakas at matibay ang argumento ng pangalawang impeachment complaint na hindi makita sa unang inihaing reklamo.

Binigyang-diin ni Atty. Co na may sapat na batayan para panagutin ang Pangulo sa ganitong paraan.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, itinakda sa susunod na linggo ang unang pagdinig sa impeachment complaints laban kay Pangulong Marcos Jr.