-- ADVERTISEMENT --

Pinag-aaralan ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), sa patnubay ng Department of Health, ang mga bagong programang magpapalawak ng benepisyong pangkalusugan para sa mga middle-income Filipino na direktang nagbabayad ng kontribusyon.

Kabilang sa mga panukala ang pagpapabuti ng hospital accommodations at pagpapalawak ng PhilHealth packages, lalo na sa mga ospital na nagpapatupad ng zero-balance billing. Sinusuri rin ng PhilHealth ang kakayahan ng pondo nito upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga bagong benepisyo habang patuloy ang suporta sa mga ospital ng pamahalaan.