Naitala ng DOST-Phivolcs ang pinakamalaking pyroclastic density current ng Bulkang Mayon ngayong taon na nagdulot ng makapal na ashfall sa 32 barangay sa Camalig at Guinobatan, Albay. Sa kabila nito, nananatili sa Alert Level 3 ang bulkan dahil wala pang senyales ng pagtaas ng antas ng pag-aalboroto.
Patuloy na binabantayan ng Phivolcs ang aktibidad ng Mayon, kabilang ang paggalaw ng lava, paglitaw ng lindol, pagbuga ng abo at gas, at iba pang indikasyon ng pag-akyat ng magma. Mula nang magsimula ang magmatic eruption noong Enero 6, 2026, naitala ang tuluy-tuloy na lava flows, rockfall, at PDC na nakaapekto sa mga daluyan sa timog at silangang bahagi ng bulkan.
Hanggang Pebrero 9, umabot na sa milyun-milyong metro kubiko ang nailabas na magma, habang mahigit 1,600 PDC, halos 10,000 rockfall, at mahigit 1,300 lindol ang naitala, na nagpapakita ng patuloy na aktibidad ng Bulkang Mayon.












