-- ADVERTISEMENT --

Ipinagpatuloy ng Philippine Coast Guard ang paghahanap sa 26 nawawalang pasahero ng MV Trisha Kerstin 3 na lumubog malapit sa Baluk-Baluk Island.

Nahadlangan ng malalakas na agos ang pagsisid sa unang target na bahagi ng barko, kaya inilipat ang operasyon sa VIP section kung saan mas ligtas ang kondisyon ngunit wala ring natagpuang mga labi. Nananatili sa 293 ang bilang ng mga nakaligtas at 53 ang kumpirmadong nasawi, batay sa datos ng Philippine National Police at iba pang ahensya.

Samantala, nagsampa ng kasong kriminal at administratibo si acting Transportation Secretary Giovanni Lopez laban sa Aleson Shipping Line at ilang opisyal ng Maritime Industry Authority. Sinibak din ang walong tauhan ng MARINA at limang miyembro ng PCG kaugnay ng insidente.