-- ADVERTISEMENT --

Ipinag-utos ng Malacañang Palace ang mahigpit na pagpapatupad ng mga hakbang sa pagtitipid ng enerhiya sa lahat ng ahensya ng pamahalaan dahil sa pagtaas ng presyo ng langis na dulot ng tensyon sa Gitnang Silangan.

Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 114 na nilagdaan ni Ralph Recto, inatasan ang mga ahensya ng gobyerno at government-owned or controlled corporations na pabilisin ang pagpapatupad ng Government Energy Management Program.

Kabilang sa mga hakbang ang pagtatakda ng aircon sa 24°C, pagpatay ng ilaw at kagamitan kapag hindi ginagamit, paggamit ng virtual meetings, paglilimita sa opisyal na biyahe, at pagpapatupad ng fuel-efficient na paggamit ng sasakyan ng gobyerno. Ipatutupad din ang apat na araw na onsite work arrangement sa pamamagitan ng compressed workweek o work-from-home scheme alinsunod sa patakaran ng Civil Service Commission, simula Marso 9.