-- ADVERTISEMENT --
Maaaring tumaas sa P200 kada litro ang diesel sa bansa habang nagpapatuloy ang alitan ng US at Israel laban sa Iran, ayon sa Department of Energy (DOE). Ilan sa mga gasolinahan ay nagbebenta na ng diesel sa higit P170 kada litro.
Ayon sa DOE, ang presyo ng langis sa Pilipinas ay apektado ng pangyayari sa Middle East at hindi ganap na kontrolado ng pamahalaan o mga kumpanya ng langis. Kasalukuyang may sapat na supply ng langis sa bansa para tumagal ng 50 araw, o hanggang huling bahagi ng Mayo, kaya hindi muna kailangan ng fuel rationing.
Pinag-aaralan rin ang ideya ng Petron CEO na maaaring kunin ng gobyerno ang oil company, ngunit wala pang pormal na usapan tungkol dito.












