Naghain si Vice President Sara Duterte ng petisyon sa Korte Suprema upang ipatigil ang impeachment proceedings laban sa kanya, kung saan kinuwestiyon ang pagiging konstitusyonal ng mga reklamo at proseso, kabilang ang umano’y paglabag sa one-year bar rule.
Tinukoy sa petisyon na hindi naaayon sa Konstitusyon ang mga reklamong inihain at ang pagsasagawa ng anumang uri ng paglilitis. Iginiit din ang umano’y kakulangan sa wastong deliberasyon at proseso sa Kamara bago ini-refer ang mga reklamo sa House Committee on Justice.
Samantala, kinontra ng isang mambabatas ang mga pahayag sa petisyon at iginiit na nasunod ang tamang proseso, kabilang ang pag-refer ng mga reklamo sa plenaryo. Binigyang-diin din na hindi nilabag ang one-year bar rule at magpapatuloy ang impeachment proceedings sa kabila ng paghahain ng petisyon.











