-- ADVERTISEMENT --

Nanawagan ang France sa mga mamamayan nito na agad lumikas sa Mali matapos ang serye ng pag-atake ng mga separatist fighters at Islamist militants noong nakaraang weekend.

Sa inilabas na travel advisory, sinabi ng France na nananatiling mapanganib at hindi matatag ang sitwasyon sa Mali. Pinayuhan din ang mga French citizen na huwag bumiyahe patungo sa bansa.

Naitala ang mga pagsabog at putukan sa iba’t ibang lugar kabilang ang kabiserang Bamako. Sa Kati, napatay umano si defense leader Sadio Camara sa hinihinalang suicide bombing, habang nasakop ng mga separatist force ang lungsod ng Kidal.

Iginiit naman ni military leader Gen. Assimi Goïta na kontrolado ng pamahalaan ang sitwasyon at nagpapatuloy ang operasyon laban sa mga armadong grupo.

Nagbabala rin ang United Kingdom at Estados Unidos sa kanilang mga mamamayan na umiwas sa paglalakbay sa Mali at lumikas kung ligtas gawin.

-- ADVERTISEMENT --

Nanatiling bukas ang Bamako International Airport, ngunit posibleng magkaroon ng delay at kanselasyon sa mga biyahe.

Pinamumunuan ang Mali ng military junta mula noong coup noong 2020, habang nagpapatuloy ang kaguluhan sa ilang bahagi ng bansa.