Anim na katao ang nasugatan matapos ang pananaksak sa isang paaralan sa Washington na sinundan ng isang alitan, ayon sa pulisya.
Kabilang sa mga biktima ang limang estudyante at isang security guard na isinugod sa ospital at nasa ligtas na kondisyon.
Naaresto ang suspek na isang estudyante ng Foss High School, na nagtamo rin ng minor injuries. Kinasuhan siya ng limang bilang ng first-degree assault.
Agad rumesponde ang pulisya matapos ang tawag bandang 1:35 p.m. lokal na oras at na-secure ang lugar habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente na pinaniniwalaang nagsimula sa alitan sa loob ng paaralan.
Pansamantalang isinara ang Foss High School at muling magbubukas sa Mayo 4, kung saan magbibigay ng counseling support sa mga estudyante at staff.













