-- ADVERTISEMENT --

MALAY, Aklan — Nanawagan si Sangguniang Bayan Member Alan Palma Sr., ng mahigpit na pagmomonitor sa operasyon ng kakabukas na Kaban Hotel and Casino sa Boracay upang matiyak ang pagsunod nito sa mga kondisyon ng lokal na pamahalaan at kinakailangang permit.

Ayon kay Palma, nagbukas ang hotel-casino noong Oktubre 11 at kailangang matiyak na kumpleto ang mga dokumento at lisensya nito mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Bukas din umano ang lokal na pamahalaan sa pagtanggap ng mga petisyon at reklamo mula sa publiko, habang kinikilala ang pagtutol ng Simbahang Katolika sa operasyon ng casino.

Hinimok ni Palma ang publiko na idulog sa kaniyang tanggapan ang anumang hinaing o pangamba upang matalakay ito sa lokal na pamahalaan.