-- ADVERTISEMENT --
Kinumpirma ni Agap Partylist Rep. Nicanor Briones na siya ang nasa larawan na nakuhaan na nanonood ng online sabong habang nasa sesyon ng House of Representatives, araw ng Lunes.
Sa isang panayam sa telepono, inihayag ng Kongresista na hindi naman talaga siya nagsa-sabong.
May link aniya na ipinadala sa kaniya at nang binuksan ito ay dito na tumambad ang sabong.
Nanindigan si Briones na malinis ang kaniyang kunsensiya at handa siyang humarap sa Ethics Committee ng Kamara.
Nakuha umano ang larawan sa botohan ng pagiging house speaker sa Kamara at ilang oras bago ang ika apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
-- ADVERTISEMENT --
Nabatid na walang nabanggit ang Pangulo sa kaniyang talumpati ukol sa online gambling.